grabe ang enrollment experience ngayong semester. super!
so our Enrollment started last Friday (Nov. 4, 2011). The evaluation had gone smoothly so akala ko tuloy- tuloy na yon. So magbabayad na lang ako nung Wednesday. planado na lahat yon eh. Kinalkula ko na kumbaga. Isang araw sa cashier at sa Registrar. Pero hindi, yung plano na yun nasira.
Nov. 9 (Wednesday)
6:20 AM kami dumating ni Kuya sa school. before nung araw na ‘to nag-usap na kami ng kasama ko na maaga kami since 6 AM nagbubukas ang gates sa school. Akala ko maaga na kami. Maygolly! pagdating namin parang pila na ng NFA sa CAS building namin. mabuhay ang school namin! so nagbakasakali pa kami ni kuya na hanggang 2nd floor pa lang yung pila. anak ng tokleng, naikot namin first floor at second floor, walang space. puno ang hallway so we ended in the 3rd floor. hanubeyen! nag-nunumber na raw yung SG so may pag-asa pa. nagsimula sila magnumber by 6 AM tapos natapos sila ng around 9 AM. Sad thing, hindi kami belong dun. pumila lang pala kami para malamang “CUT-OFF na po! 1200 lang po ang inaccomodate namin today!” —- yeah kuyang may megaphone in yellow polo shirt you’re the best! grabeeeee! lumooo ng bongga! nag-usap na kami ni kuya after na kinabukasan 5 AM pa lang punta na kami. makikiFUN RUN na kami. hahahaha!
Nov. 10 (Thursday)
5:20 AM Yes! ang aga namin ni kuya! kakapit na kami sa gate! pero joke lang ‘to. bukas na ang gate. masamang pangitain ‘to. nagtatakbuhan na yung ibang tao. nakitakbo na kami kasi ramdam na naming naglipana na ang mga bampira sa CAS building. TH talaga kami ni kuya. anak ng tokleng, 3rd floor nanaman ang bagsak namin. kakapila pa lang namin niyayaya na ko ni kuya na umuwi na pero tama nga siya. wala nga kaming napala. Pero nakakita kami ng liwanag (korni). saka lang namin naisip na may mga koneksyon pala kami sa school. nakakajirits. alam mo yung nagsayang ka ng dalawang araw? tapos pagising gising ka pa ng 4:30 AM para makipagsabayan sa mga bampira? ayun yon eh! ang saya! don lang namin napagtanto, ang engot namin. haha! ang funny lang talaga. 2 hours lang tapos na kami agad?! eh kung pipili 5 hours bago matapos. saya talaga!
so ayon. parang fieldtrip lang kung gumising kaming lahat. grabe mga tao sa school! epic! pero ibang klase talaga ang enrollment ngayon sa school. 30K students tapos 1200 lang per day ang inaaccomodate? eh kelan ba nag-start ang enrollement? last week lang? may sapak ba? hello! pasukan na po namin sa monday! at ang masaya pa, 6 windows lang ang bukas sa cashier, in 2hours ata 300 persons lang ang naeentertain nila. whatever! ayoko ng balikan ang bangag mode sa school. dipa nagstart 2nd sem bangag na?!
EPIC WEEK beybe! share lang. :)
oo, tama ang nababasa mo. tamad ako at aminado ako. pero ayoko ng maging tamad. ang badtrip lang kase, nakadikit na sa katawan ko. yun bang nakakakapit. haha. nakakatawa lang. madalang na ata sa teenager ang masipag sa panahon ngayon. sa dami ba naman kasi ng pwedeng pag-aksayahan ng oras.
hayyy. may exam pa. pero, isa na lang. actually, dalawa pa yon, isang chapter test at midterm exam. sa isang subject lang kasi yon. bayani naman kase masyado si ma’am. may long test pa. pero, eto kanina pa ko paikot- ikot dito sa net. ewan ko ba. hayok na hayok ako kahit paulit-ulit lang naman mga ginagawa ko rito. muka engot lang. XD
bukod sa long test at midterm exam, marame pa kong gagawin. pero ang tamad ko. hindi na nga. kainis. ililista ko nga, nang maisampal ko sa sarili ko na marami pa kong gagawin at dapat tinitigilan ko na ang pag-type ng post na ito. :))
ititigil ko na nga ang kahibangang ito. gising na sa panaginip. bawal mag-procrastinate. :))
GOOD EVENING!
kairita. can’t receive messages. kung kelan ka-text ang bestfriend. naman! :((
kapag ok na ang lahat, laging may dumarating na di ko maintindihan. parang laging may kontra?
anu bey! sige na. hindi para sa’ken yon. oo na. tanggap ko na talaga. ok na ha. keri na ha?
final na yan. anu bey…
I think he’s not my bestfriend anymore. No communication at all. I think it’s a month now since we’ve last talked.
ahhhh. ewan. bahala na. nanghihinayang lang ako sa friendship. parang wala lang sa kanya. bahala na siya. :/
as usual, wala na naman sa sked pero keri lang. at least, makakapag-concentrate ako sa major subjetcs ko.
weeee. :))
1 pa pasok ngayon. haha. XD papakasasa muna sa net. badtrip lang.. laggers net dito.
waaaa. ang busy. mabibilang ko na sa daliri ko kung ilang days na lang bago mag-sembreak. (MAGDIWANG!) haha. pero… siyempre, bago sembreak, katakot takot na Final exams nanaman. hayyy.
sinisimulan na rin kaming paulanan ng professor namin ng projects. oyeah.
what to do: (bulleted list ulit, nakikigaya ulit. XD)
busy-busyhang palaka,
BOSSABOS
ngayon na lang ulit nangyari ito…
simula ng tumuntong ako sa college, hindi ko na nagawa ito since wala kaming pc sa place namin ngayon. unlike sa cavite, meron and wantusawa. haha. :))
wala. namiss ko lang. I still remember during my hs days, whenever I have projects or research papers, laging OT ako sa net. pano may halong silip sa ibang sites (i.e, tumblr, facebook, plurk) haha. :))
haha. lekat na take home exams kasi to. di ko alam kung san pinagkukuha ng prof. namin ‘to. pasaway.
reklamadorang echusera,
BOSSABOS
hmmm. astig kayo ma’am.
nagrereklamo,
bossabos
p.s.
makikigaya sa bulleted post
why are you doing this to me?
I’m really busted!