Back to top.
Posts tagged personal.
mixed post.

kelan pa ba ko huling nag-post? tagal na. nung may connection pa kami tinatamad ako magkwento hanggang sa naputol na yung connection at wala na talaga kong nakwento. k enough.

start na lang ako sa birthday ko. 

05052012

ordinaryong araw lang. chos. syempre spesyal sa’kin kasi dagdag ulit sa buhay ko yon and yes! tumatanda ako. lahat naman. haha. isang taon na lang hindi na ko teen. badtrip. working birthday nga raw yon sabi ni papa. naglinis ako ng kabahayan tapos nagluto ng spaghetti. and yeah, 1st time ko yon so may mga mali pa ko. haha. pero masarap naman siya. achievementttt! :) bukod sa working birthday siya at 1st time magluto, yun din ang 1st time na wala si mama sa birthday ko. hindi ako sanay. nasanay na ko na paggising ko sa birthday ko eh ikikiss na ko ni mama at babatiin ng happy birthday at may kasamang lambing pa. pero ayon, nasa ibang bansa si mama. ‘di naman siya nagpahuli, bumati siya sa text kahit mahal ang text. haha. :) so para saken ordinary yet memorable birthday. :)

05142012

enrollment na yon pero late ako dumating sa school para mag-paevaluate ng grades ko kaya pagdating ko may pila nanaman ng NFA sa building namin. ang gulo nanaman kasi ng sistema nila. ayon, dahil nga late at dahil na rin sa kulang na clearance, hindi pa ko nakapag-start mag-enroll kaya kinailangan ko pang bumalik kinabukasan.

05152012

bumalik ako ng maaga para makapgsimula agad at maiwasan ang pila ng lotto sa assessment pero bigo ako dahil yung nagtatak sa clearance wala pa. andun naman yung mga kapatiran nya, ang problema yung pantatak inuwi niya. Utang Na Loob! katabi sa pagtulog? kailangan inuuwi? haha. owell, napagdesisyunan na lang nila na pirma na lang at di na kailangan ang pantatak. ok, detailed na masyado. so yon, nakapag-paevaluate na ko at napakabilis lang pero tulad ng inaasahan ko, mahaba na ang pila para sa concert ng one direction sa assessment. buti mabilis lang at nabigyan na ko agad ng ticket. and imonehappykiddo. tapos tapos na. dejoke.

05172012

balik ulit ng school para magbayad. ‘di ko na to ididetail. katamad. maaga ko dumating pero yung kasama ko may durian ata sa pwet sa sobrang kakuparan dumating. mabilis lang nakabayad pero sa pagpapaID inabutan pa kami ng lunch kaya mga 2pm na ko nakauwi. ID lang kasi tagal-tagal. haha. and yeah! enrolled na ko. di na ko mawawala sa listahan sa pasukan.

05202012

last minute meeting at tumambad samin ang sandamukal na problema para sa congress kinabukasan. walang kahit ano. digital nga daw kami sa congress kasi wala kaming mga hardcopy. walang manual, walang ID. may asenso ano? owell. tinanggap na lang namin yon.

05212012 - 05252012

dismayado talaga ko kasi guilty talaga ko. (CJontrial?) dejok. nagkulang kami. superr. pero syempre tinanggap namin ang katotohan na palpak yon. konti lang din pumunta kasi nga parang sinekreto namin dahil 1 week before lang nagpalabas ng announcement. odiba? husay galing? masaya naman kahit konti lang atleast mas madaling icontrol lahat. pati food yung ibang staff na nagluto para menos gastos na. maganda ang programa. sayang lang at konti lang ang nakadalo. masaya rin ang outreach. orphanage yon and dun ko nakita na maswerte ako na may buo akong pamilya. nalungkot din ako para sa mga bata kasi iniwan lang sila ng mga magulang nila eh dapat silang mahalin at alagaan. nakita ko yung saya nila na may ibang tao sila na nakilala lalo na kaming mga ate at kuya sa kanila. na-enjoy ko yon. haha. bukod don, sa congress nagaganap ang election para sa mga bagong opisyales at for the 2nd time ay tinanggap ko ang tawag ni Lord na maging leader para sa mga kapwa ko kabataan and ngayon ako na ang Exec. Secretary ng PACC UMYF. Powerpuff girls kami. Si Naning ang President at ang pumalit sa’kin si Ate Arvie. kay, kilala niyo sila. haha. :) 

‘don ko na tinatapos. umaga na. 1:10 AM na at tuyo na ang buhok ko kaya pwede na ko matulog. goodnight! :)

05.30.12 1
Zoom Kopiccino habang nag-rereview. :)

Kopiccino habang nag-rereview. :)

03.18.12 2
What to do on Summer?

School days are not yet done as well as piled projects for finals. :| uugh! (konting tiis na lang)

even though we’re so busy, I’m still thinking of what to do on summer since I want to be productive this summer. I’m also planning to find a summer job since I don’t have a source of income during summer. So I’m posting a list here on my blog for my future reference since I check my blog more often than my planner. heher. :D

bullets mode XD

  • find a suitable summer job (I want to use my skills in the field that I’m practicing)
  • finish reading the Bible (I had my own Bible 6 years ago but until now, I’m not yet done reading it)
  • practice photoshop skills (echos lang, magagamit ko rin naman yan.)
  • update my blogs (am so tamad because of school stuff. haha)
  • room makeover (will remove clutters and unnecessary stuff)
  • download and watch movies (movie marathon)
  • reunite with hs friends (sanaaaa!)
  • bonding with UMYF friends (youth camp and Congress2012)
  • bonding with my family especially with Papa (Mama’s going abroad, sigh…)

I hope I can accomplish what I’ve listed here. :) help me Lord! :)

okay. back to work! :D

03.16.12 1
Zoom CAFA Computer Room

floor network diagram of our client in Network Proposal 

>ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na gumawa ng ganto. nakakatawa lang. 

CAFA Computer Room

floor network diagram of our client in Network Proposal 

>ipagpaumanhin po ninyo ang aking kapangahasan na gumawa ng ganto. nakakatawa lang. 

02.25.12 0
Second semester started.

So back to school again and I totally don’t feel it. haha! 

Although we’re back in school, classes are still not regular because of the never-ending enrollment (refer to earlier personal post). Because of that, all we did this week is orientation. Sad to say, we’re not able to meet other instructors. Naman! Iniinjan kame! haha! So we’ve only met four of our instructors. Others we’re still unknown.

To kill the time that we spent in waiting and waiting, I and my barkada watched movies and tambay at my aunt’s canteen.  

But my week does not end there because I really really hate my schedule. I don’t want Saturday classes. The worst part of it was the time. We’re scheduled at around 1-6 pm. So I’ve worked out my schedule and decided to request to change it or to transfer to other section that was scheduled on week days. Sad to say, it’s a long long process. Hopefully, I can change it by next week because classes will be regular next week. :)

I hope that this semester will be fun with the busy schedules and strict instructors. haha!

11.18.11 3
vampire invasion

grabe ang enrollment experience ngayong semester. super!

so our Enrollment started last Friday (Nov. 4, 2011). The evaluation had gone smoothly so akala ko tuloy- tuloy na yon. So magbabayad na lang ako nung Wednesday. planado na lahat yon eh. Kinalkula ko na kumbaga. Isang araw sa cashier at sa Registrar. Pero hindi, yung plano na yun nasira. 

Nov. 9 (Wednesday)

6:20 AM kami dumating ni Kuya sa school. before nung araw na ‘to nag-usap na kami ng kasama ko na maaga kami since 6 AM nagbubukas ang gates sa school. Akala ko maaga na kami. Maygolly! pagdating namin parang pila na ng NFA sa CAS building namin. mabuhay ang school namin! so nagbakasakali pa kami ni kuya na hanggang 2nd floor pa lang yung pila. anak ng tokleng, naikot namin first floor at second floor, walang space. puno ang hallway so we ended in the 3rd floor. hanubeyen! nag-nunumber na raw yung SG so may pag-asa pa. nagsimula sila magnumber by 6 AM tapos natapos sila ng around 9 AM. Sad thing, hindi kami belong dun. pumila lang pala kami para malamang “CUT-OFF na po! 1200 lang po ang inaccomodate namin today!” —- yeah kuyang may megaphone in yellow polo shirt you’re the best! grabeeeee! lumooo ng bongga! nag-usap na kami ni kuya after na kinabukasan 5 AM pa lang punta na kami. makikiFUN RUN na kami. hahahaha!

Nov. 10 (Thursday)

5:20 AM Yes! ang aga namin ni kuya! kakapit na kami sa gate! pero joke lang ‘to. bukas na ang gate. masamang pangitain ‘to. nagtatakbuhan na yung ibang tao. nakitakbo na kami kasi ramdam na naming naglipana na ang mga bampira sa CAS building. TH talaga kami ni kuya. anak ng tokleng, 3rd floor nanaman ang bagsak namin. kakapila pa lang namin niyayaya na ko ni kuya na umuwi na pero tama nga siya. wala nga kaming napala. Pero nakakita kami ng liwanag (korni). saka lang namin naisip na may mga koneksyon pala kami sa school. nakakajirits. alam mo yung nagsayang ka ng dalawang araw? tapos pagising gising ka pa ng 4:30 AM para makipagsabayan sa mga bampira? ayun yon eh! ang saya! don lang namin napagtanto, ang engot namin. haha! ang funny lang talaga. 2 hours lang tapos na kami agad?! eh kung pipili 5 hours bago matapos. saya talaga!

so ayon. parang fieldtrip lang kung gumising kaming lahat. grabe mga tao sa school! epic! pero ibang klase talaga ang enrollment ngayon sa school. 30K students tapos 1200 lang per day ang inaaccomodate? eh kelan ba nag-start ang enrollement? last week lang? may sapak ba? hello! pasukan na po namin sa monday! at ang masaya pa, 6 windows lang ang bukas sa cashier, in 2hours ata 300 persons lang ang naeentertain nila. whatever! ayoko ng balikan ang bangag mode sa school. dipa nagstart 2nd sem bangag na?! 

EPIC WEEK beybe! share lang. :)

11.11.11 0
super sembreak

So this semester break is a blast! :) still enjoyin’ my vacation. No tests, projects or researches. :D 

yesterday, I’ve attended an Overnight meeting. :) so I got to see and bond with my best friends Ella and Gianne. I also got the chance to bond with my other myf friends. :D After the meeting, we watched movie and we joked all around. haha! :D We slept at around 4 A.M. :D

so my sembreak this year isn’t boring. :D I’m looking forward to our Family outing tomorrow. Yey! :D haha. Relatives naman ang kasama! :D

Long rest and Long time to unwind. sa 14 pa pasok. yahooooo! :D

10.28.11 10
appreciate everything in life

ang lakas lakas ng tama sa’kin ng balita tungkol sa mga lugar na lubog sa baha. kahit hindi kami nabaha, parang super affected ako. nakakalungkot kasi malaman na may mga kababayan tayong nakakaranas ng ganon.

1st time kong makita yung ganon and ang lapit lang kasi namin ‘don. though hindi ko nakita personally, kahit sa tv, kalunos lunos talaga yung nangyari. nakadagdag pa don yung alam mong may mga relatives kang nandoon sa ganong kalagayan. pati friends na walang tigil sa pagttxt na ipagpray sila dahil oras-oras tumataas yung tubig sa area nila. ngayon lang ako sumubaybay ng todo sa news. hoping na sana ibalita sa tv na narescue na yung mga tao kasi paparating nanaman yung bagong bagyo (LUMIHIS KA NA PLEZ) ——- umuulan nanaman. homegash!

don ko naisip kung gano ako kablessed na hindi ko pa nararanasan yung malagay sa sitwasyon na ganon. don ko rin narealize na maging thankful sa lahat ng natatanggap ko either maliit or malaki pa yan. don ko naisip na ang hilig ko magreklamo or mamroblema sa mga bagay-bagay. yung feeling ko ako na may pinakamalaking problema. nakakaguilty lang kaseeee. 

maging thankful tayo and appreciate kung anu man yung meron at mga natatanggap natin. 

Let’s pray for Calumpit, Hagonoy, Pampanga, Isabela and other flooded areas. Let’s help our fellow Filipinos even in prayers. :) Napakalaking bagay po ng PRAYER. :)

09.30.11 0
good night.

nocturnal ako ngayon. good night pa sa’kin pero morning na. FAIL. :/

  • magkakabisa na ko ng ‘asililitelkiten’. haha. a silly little kitten pala. (wala siyang title kaya ako na ang nagbigay ng title. hehe)
  • mag-aaral na ko ng ALIBATA. oyeah. parang time travel lang. magiging sinaunang tao muna ko. 
  • day-dream. imahinasyon. mangangarap. hobby ko ‘to. minsan 30 mins na kong nakahiga ‘di pa rin ako nakakatulog. haha. sorry naman. mapangarapin lang.

tayo na’t mag-laway sa unan. *dinamay ko pa kayo* screw me. XD

yors turuli,

BOSS BOSSABOS

11.26.10 0
oh! it’s already 12:25 AM on my clock.

morning na pala. Good morning!

ngayon lang kasi nagka-internet. hayyy. :( buhay. kapag nalowbat na bat ng laptop ko, i’ll be out na. :) enjoy muna sa pagbabrowse.

05.30.10 0