kelan pa ba ko huling nag-post? tagal na. nung may connection pa kami tinatamad ako magkwento hanggang sa naputol na yung connection at wala na talaga kong nakwento. k enough.
start na lang ako sa birthday ko.
05052012
ordinaryong araw lang. chos. syempre spesyal sa’kin kasi dagdag ulit sa buhay ko yon and yes! tumatanda ako. lahat naman. haha. isang taon na lang hindi na ko teen. badtrip. working birthday nga raw yon sabi ni papa. naglinis ako ng kabahayan tapos nagluto ng spaghetti. and yeah, 1st time ko yon so may mga mali pa ko. haha. pero masarap naman siya. achievementttt! :) bukod sa working birthday siya at 1st time magluto, yun din ang 1st time na wala si mama sa birthday ko. hindi ako sanay. nasanay na ko na paggising ko sa birthday ko eh ikikiss na ko ni mama at babatiin ng happy birthday at may kasamang lambing pa. pero ayon, nasa ibang bansa si mama. ‘di naman siya nagpahuli, bumati siya sa text kahit mahal ang text. haha. :) so para saken ordinary yet memorable birthday. :)
05142012
enrollment na yon pero late ako dumating sa school para mag-paevaluate ng grades ko kaya pagdating ko may pila nanaman ng NFA sa building namin. ang gulo nanaman kasi ng sistema nila. ayon, dahil nga late at dahil na rin sa kulang na clearance, hindi pa ko nakapag-start mag-enroll kaya kinailangan ko pang bumalik kinabukasan.
05152012
bumalik ako ng maaga para makapgsimula agad at maiwasan ang pila ng lotto sa assessment pero bigo ako dahil yung nagtatak sa clearance wala pa. andun naman yung mga kapatiran nya, ang problema yung pantatak inuwi niya. Utang Na Loob! katabi sa pagtulog? kailangan inuuwi? haha. owell, napagdesisyunan na lang nila na pirma na lang at di na kailangan ang pantatak. ok, detailed na masyado. so yon, nakapag-paevaluate na ko at napakabilis lang pero tulad ng inaasahan ko, mahaba na ang pila para sa concert ng one direction sa assessment. buti mabilis lang at nabigyan na ko agad ng ticket. and imonehappykiddo. tapos tapos na. dejoke.
05172012
balik ulit ng school para magbayad. ‘di ko na to ididetail. katamad. maaga ko dumating pero yung kasama ko may durian ata sa pwet sa sobrang kakuparan dumating. mabilis lang nakabayad pero sa pagpapaID inabutan pa kami ng lunch kaya mga 2pm na ko nakauwi. ID lang kasi tagal-tagal. haha. and yeah! enrolled na ko. di na ko mawawala sa listahan sa pasukan.
05202012
last minute meeting at tumambad samin ang sandamukal na problema para sa congress kinabukasan. walang kahit ano. digital nga daw kami sa congress kasi wala kaming mga hardcopy. walang manual, walang ID. may asenso ano? owell. tinanggap na lang namin yon.
05212012 - 05252012
dismayado talaga ko kasi guilty talaga ko. (CJontrial?) dejok. nagkulang kami. superr. pero syempre tinanggap namin ang katotohan na palpak yon. konti lang din pumunta kasi nga parang sinekreto namin dahil 1 week before lang nagpalabas ng announcement. odiba? husay galing? masaya naman kahit konti lang atleast mas madaling icontrol lahat. pati food yung ibang staff na nagluto para menos gastos na. maganda ang programa. sayang lang at konti lang ang nakadalo. masaya rin ang outreach. orphanage yon and dun ko nakita na maswerte ako na may buo akong pamilya. nalungkot din ako para sa mga bata kasi iniwan lang sila ng mga magulang nila eh dapat silang mahalin at alagaan. nakita ko yung saya nila na may ibang tao sila na nakilala lalo na kaming mga ate at kuya sa kanila. na-enjoy ko yon. haha. bukod don, sa congress nagaganap ang election para sa mga bagong opisyales at for the 2nd time ay tinanggap ko ang tawag ni Lord na maging leader para sa mga kapwa ko kabataan and ngayon ako na ang Exec. Secretary ng PACC UMYF. Powerpuff girls kami. Si Naning ang President at ang pumalit sa’kin si Ate Arvie. kay, kilala niyo sila. haha. :)
‘don ko na tinatapos. umaga na. 1:10 AM na at tuyo na ang buhok ko kaya pwede na ko matulog. goodnight! :)
Again, God blessed me during 2011. He’s always there guiding me. He’s always there in good times and even in bad times. God never left me during those challenges and trials that I’ve experienced.
For that, thank You very much po Panginoon. :) I really felt Your love during my 18 years here on Earth. :)
Salamat po sa pamilyang walang sawang gumagabay sa akin sa aking pag-laki. Nung bata ako, mas gusto kong kasama ang friends at mga pinsan ko. Pero ngayon, malayo lang ako ng isang linggo sa kanila, batong-bato na ko. Kaya thank you Lord for giving me this awesome family! haha!

Salamat rin po sa aking pangalawang pamilya! Mga elders na tumatayong pangalawang magulang, mga kapwa kabataan na itinuturing ko ng mga kapatid, mga chikiting na susunod sa yapak namin at sa Pastor na kalog at cool. hehe. :)

And thank you Lord for letting me know these 3 persons. Mga taong nagpapasaya sa’kin kahit sa mga simpleng bagay lang. thank you po! :)

sa co-officers ko na nag-inspire at nakapagturo sa akin ng maraming experiences, Salamat po! Thank you for making my 2 year term memorable. Thank you talaga!

sa co-UMYFers na nag-iinspire sa’kin. salamat po! < kahit wala ko sa pic na yan, OUTCAST akooo. haha>


dami pang ipagpapasalamat pero alam mo na po yon Lord. kulang ang isang post. hehe. :)
And now, I look forward for another year full of happiness, challenges and more, more and more blessings! :) Salamat po Lord! I give back all the glory and honor to You! :))
credits to Kuya Martin and Ella for the photos. :)
ENDLESS PRAISE and WORSHIP
Had been part of this big event. An event to share God given talents to others. :) Worship 101.God, a battle of the bands/ concert event. 7 churches expressed their talents in composing their own music. gaaaah! They’re really good. :) Even though there were unexpected happenings in the event, God showed me the true essence of the event. :)
In the picture: Preparations for the big event and prizes! hahaha. :)) ganda ng trophy and medals. :)
thank God for the success of this event! :)
official Worship 101.God t-shirt
for only 200php. pwede kayo umorder. :) <nagbenta> hahahaha. XD
official Worship 101.God shirt
got my t-shirt already! haha. and 1st ever design pero hindi ko concept yan. :) nyaha. wala lang. natuwa lang ako.
*disclaimer: photo taken using webcam. ang low quality ng webcam. pasensya na po.
poster ng finance
wala. gusto ko lang ipost. isheshare ko. ba’t ba? pwede kayo magbigay. :)) <nag-endorse>
sa September 17 na po ito. :)) sali kayooooo. :)
*****parang tanga lang akooo
final shirt design
I’ve finally made a good and satisfying design (for me). :)) inspired by faebbie’s shirt. :))
final t-shirt design and I’m really satisfied with the output! Just as in my mind. :)) yehey! :) took me 5 hours to finish this. worth it naman. sana lang ma-print siya ng maayos. HOPING!
done with 2nd poster.
I think this isn’t the final the poster. hoho. *brain damage*
but still, thank You Lord for the ideas! all for Your glory Lord! :))
Worship 101. God (one on one with God)
Local Church Election last sunday.
as you can see, they were like making a pledge with matching Bible pa. Actually they were kidding. mga pasaway, gumamit pa ng Bible. haha. But I think they will be serious with their positions. haha.
andyan kasi yung kuya ko kaya puro kalokohan. nothing beats the laughter pag sama-sama kaming lahat. :)
Cavite Youth Congress Pictures (2nd Batch)
namimili lang talaga ko. :) haha. at mahirap din mag-edit. haha. XD 2nd day hanggang 3rd day ito ng event. syempre, maraming candid shots.
sharing, inputs, tawanan, serious moments at mga posing moments. halo-halo. nakakamiss!
photos by ate Erika Alvaran
late post nanaman.
CAVITE YOUTH CONGRESS 2011
happened last week and it was a blast! haha.
masaya and super nakakabless although we’re few in number. Leadership training siya kaya ‘di na rin kami nag-expect ng malaking number of delegates. :)) super cooperative naman sila at active at naging close ang lahat. ang staff and delegates. kumbaga walang barrier. yizz! :))
ilan lamang ang mga pictures na yan sa masasaya at nakakalokang memories nung event na yon. :))
will post other pictures soon. katamad pa mag-edit. XD
photos by ate Erika Alvaran.