grabe ang enrollment experience ngayong semester. super!
so our Enrollment started last Friday (Nov. 4, 2011). The evaluation had gone smoothly so akala ko tuloy- tuloy na yon. So magbabayad na lang ako nung Wednesday. planado na lahat yon eh. Kinalkula ko na kumbaga. Isang araw sa cashier at sa Registrar. Pero hindi, yung plano na yun nasira.
Nov. 9 (Wednesday)
6:20 AM kami dumating ni Kuya sa school. before nung araw na ‘to nag-usap na kami ng kasama ko na maaga kami since 6 AM nagbubukas ang gates sa school. Akala ko maaga na kami. Maygolly! pagdating namin parang pila na ng NFA sa CAS building namin. mabuhay ang school namin! so nagbakasakali pa kami ni kuya na hanggang 2nd floor pa lang yung pila. anak ng tokleng, naikot namin first floor at second floor, walang space. puno ang hallway so we ended in the 3rd floor. hanubeyen! nag-nunumber na raw yung SG so may pag-asa pa. nagsimula sila magnumber by 6 AM tapos natapos sila ng around 9 AM. Sad thing, hindi kami belong dun. pumila lang pala kami para malamang “CUT-OFF na po! 1200 lang po ang inaccomodate namin today!” —- yeah kuyang may megaphone in yellow polo shirt you’re the best! grabeeeee! lumooo ng bongga! nag-usap na kami ni kuya after na kinabukasan 5 AM pa lang punta na kami. makikiFUN RUN na kami. hahahaha!
Nov. 10 (Thursday)
5:20 AM Yes! ang aga namin ni kuya! kakapit na kami sa gate! pero joke lang ‘to. bukas na ang gate. masamang pangitain ‘to. nagtatakbuhan na yung ibang tao. nakitakbo na kami kasi ramdam na naming naglipana na ang mga bampira sa CAS building. TH talaga kami ni kuya. anak ng tokleng, 3rd floor nanaman ang bagsak namin. kakapila pa lang namin niyayaya na ko ni kuya na umuwi na pero tama nga siya. wala nga kaming napala. Pero nakakita kami ng liwanag (korni). saka lang namin naisip na may mga koneksyon pala kami sa school. nakakajirits. alam mo yung nagsayang ka ng dalawang araw? tapos pagising gising ka pa ng 4:30 AM para makipagsabayan sa mga bampira? ayun yon eh! ang saya! don lang namin napagtanto, ang engot namin. haha! ang funny lang talaga. 2 hours lang tapos na kami agad?! eh kung pipili 5 hours bago matapos. saya talaga!
so ayon. parang fieldtrip lang kung gumising kaming lahat. grabe mga tao sa school! epic! pero ibang klase talaga ang enrollment ngayon sa school. 30K students tapos 1200 lang per day ang inaaccomodate? eh kelan ba nag-start ang enrollement? last week lang? may sapak ba? hello! pasukan na po namin sa monday! at ang masaya pa, 6 windows lang ang bukas sa cashier, in 2hours ata 300 persons lang ang naeentertain nila. whatever! ayoko ng balikan ang bangag mode sa school. dipa nagstart 2nd sem bangag na?!
EPIC WEEK beybe! share lang. :)
